Olivarez named outstanding mayor by SMI – manilastandard.net

Olivarez named outstanding mayor by SMI  manilastandard.net

Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez has been named “Most Outstanding Mayor for 2019” in Metro Manila by award-giving body Superbrands Marketing …

PINARANGALAN ng Superbrands Marke­ting International, Inc. (SMI) si Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez bilang ‘Most Outstanding Mayor for 2019’ sa buong Metro Manila noong Biyernes sa Lungsod ng Makati.

Sa The City Club na ginanap ang pagbibigay parangal kay Mayor Olivarez dahil sa matagumpay na programa na inilunsad ang “Bagong Parañaque” na naglalayong tugunan ang problema sa edukasyon, bawasan ang kahirapan, magbigay ng trabaho, magkaroon ng magandang gobyerno at iba pang programang makakatulong sa bansa.

Sa ilalim ng pamumuno ni Olivarez, umunlad ang Parañaque dahil dumami ang investors at mga negosyong itinatayo sa lungsod na umabot na sa 20,000.